Sobrang Payat Ko Kasi
Sa huling araw nang grupo naming magkakasama sa kolehiyo, napag-usapan namin ang mata ko;

AKO: Idescribe nyo nga yung mata ko. Bilugan o singkit?
LALLAINE: Uhm…
KRISTEL: Tumawag na naman kamo sakin yung boyfriend ko. Kanina sa Smart. Ngayon sa Globe. Kita mo mamaya Sun na yung gamit nya.
AKO: Ikaw, ano sa tingin mo?
HANZEL: Singkit eh.
LESLIE: Bilog.
LOREN: Medyo bilog nga.
AKO: Sabi nila parang daw lagi akong inaantok.
MELANIE: Mapungay kasi.
AKO: P’ano ba yung mapungay?
MELANIE: Yung ganito o. (Nagbeautiful eyes)
AKO: Hindi naman maganda yung mata ko. Mapula-pula nga eh
ANGELO: Bilasa.
LAHAT SILA: Oo nga. Bilasa.
Karaniwan sa mga Hyperthyroid na tao ang pagluwa ng mata na kilala sa terminong medikal bilang exophthalmos. Pero hindi naman lahat. May kakilala ako na singkit nung ipinanganak tapos nagkaroon sya ng Hyperthyroidism pero singkit pa rin. Kaya naman kahit bilasa daw yung mga mata ko, naghihinala pa rin ako na may hyperthyroidism ako dahil sa ilang bagay;
1. Sobrang babang timbang:
Maaring meron akong eating disorder. May mga pagkakataong nawawalan ako ng gana sa pagkain anupat hindi ako kumakain ng pananghalia’t hapunan. Subalit makalipas ang ilang araw ay nagkakaroon ako ng binge eating episodes at sobra sobra naman ang kinakain ko, subalit isa itong balintuna sa aking pangangayayat, sapagkat ang binge eating ay mas nagpapataba pa nga sa isang tao (Tulad sa kaso ng may mga bulimia nervosa).Pumasok din sa isip ko ang mga bulate. Kaya nga uminom ako ng pampapurga noong Mayo, pero wala ring nangyari at lumabas. Kaya nga napag-isipan ko na maaring Hormones ang may kasalan sa bumababa kong timbang.
2. Mabilis akong magutom:
Gutom na ako makalipas lamang ang 2 oras. Kaya nga at maya’t-maya ang ang kain ko. Kaya kong umubos ng isang litro ng softdrink sa isang upuan. Naisip ko tuloy na maaring napakabilis ng pagposeso ng katawan ko ng pagkain, lalo na nang Carbohydrates.
3. Hindi ko natatagalan ang init:
Naikwento ko na minsan nang patayin ang Air-condition sa Operating Room. Sa sobrang init kamuntik na akong mahimatay. Hindi lang iisang beses nangyari ito sa akin.
Ang lahat ng ito ay sintomas ng Hyperthyroidism kaya minabuti ko kaninang pumunta sa isang malapit na laboratoryo upang magpaanalisa ng dugo. Itetext na lang daw ako paglumabas na yung resulta.
9 July 2008 at 2:15 pm
intsik ako at may sobrang hyper na thyroid ako… believe me.. hindi ko maintindihan ang sobrang kainisan ko pag mainit… as in… check mo na rin ang tulog mo kung sobrang restless ka at sobrang pagod na pagod ka pero di ka makatulod.. pacheck mo na rin ang t3, t4 and tsh mo.. o di ba? memorize ko na ata lahat yan.
9 July 2008 at 2:31 pm
yun nga yung pinacheck ko. T3, T4, at TSH.
10 July 2008 at 2:44 pm
ngek, ano hyperthyroid ka na nga ba?
anak ka ng tokwa hindi ka nagrereply sa mga text ko.
11 July 2008 at 1:23 am
Hopefully OK and result ng bloodworks mo. Ang misis ko ganoon din ang galit sa init samantalang ako, galit sa lamig. Baligtad kami
11 July 2008 at 7:23 am
naku, ambilis ko pa naman magutom
11 July 2008 at 7:41 am
sana ok ang result..
12 July 2008 at 8:11 pm
Hi Richmond! Nice site you have here! Discovered your site through Maiah, roommate ko sya nung college.
You and your friends might want to join our Pinoy Bloggers forums: http://ebloggers.ph/.. This is where you could learn how to earn money by blogging.. Also a good place to meet new friends..
Link mo naman site namin.. BTW, it’s my brother’s site.
12 July 2008 at 8:14 pm
mon, pakilink mo nga yang kay judy!
13 July 2008 at 6:01 pm
grabe…
ang itawag mo thyrotoxicosis o kaya grave’s disease para kunwari malala
hehehe
nosebleed ako.(x.x)
14 July 2008 at 4:06 pm
hmm, ngayon ko lang narinig yang condition na yan. i hope the result is ok. you take care!