Archive for May, 2008

A Letter to Someone

Posted in Letter to Someone with tags , , , , , , , on 30 May 2008 by Richmond

From this post, I received the following comment;

Dear friends, kindly take this in mine. Not all things that happen in life, especially misfortunes, are caused by what we think they are. At times, things happen because of others’ misdeeds but we accuse another. I just hope that we clarify things first before accusing and condemning anybody. A mistake will not and will never [be] solved by another mistake. So, let’s reserve our judgment until everything is clarified. Thanks

My Response;

Militiki,

I agree that sometimes good intentions are tarnished by someone else’s greed and selfishness. However, Northcap has to take responsibility to whatever problem that one of its owners has incurred to the reviewees. I see that the management has and will always regret this very sad phase; nevertheless as one of the victims, I don’t feel that it is doing or has done its best to help us.

In fact, it was the owner of the Bataan branch who did most of the work in order for us to reach DOLE, the PRC and all other government agencies there is to talk to. During the first ever Northcap-parents meeting in Bataan, some parents of Baguio Reviewees traveled down all the way from the high mountains of Benguet just to know what was really happening.

You said, “I just hope that we clarify things first before accusing and condemning anybody”. PUTANG INA! Nag iisip ka ba? Sinong sisihin namin, ngayong isa na nga sa mga owners yung gumago samin?

Last Sunday, Northcap presented some promising proposals to appease our spirits, free reviews for the next board, free review for NCLEX, CGFNS, and IELTS. Ang tanong; may Northcap Bataan pa ba sa susunod? The franchise owner of Northcap Bataan, has explicitly expressed her disappointments with the company and voiced her plan to dissolve Northcap Bataan.

Ano pa ba ang ikaclarify natin? The Licensure Examination for Nurses is bound to happen on Sunday. Just imagine how much we resent the passing days knowing that we cannot take the board exam this June. Naisip mo ba kung ilan kaming umiyak dahil dyan ha?

BARBERcue battle against the barber saga chapter vi

Posted in Humor with tags , , , on 26 May 2008 by Richmond

Kung sa dating barberong pinagpapagupitan ko ay bangs ang karaniwang paksa ng pagtatalo namin, sa mga nakaraang barberong pinagpapagupitan ko (pabago-bago na ako ng barbero simula nang magsara ang gupitan ng matanadang barbero), ang karaniwang paksa ng ‘di pagkakintindihan ay ang aking patilya.

Noong bata pa ako, hindi mapagkakaila ang kasikatan ng “Da King,” Fernando Poe Jr. At kasama ng libu-libong Pilipino na humahanga sa kanya ay ang aking ama (hulaan mo kung sinong binoto nya noong nakaraang eleksyon sa pagka-pangulo). Kung kaya’t noong bata ako madalas nyang batiin ang aking mga naglalakihang patilya. Minsan nga’y sa yabangan namin ng mga kababata ko, ang patilya ko ang ineksena ko. “O mahaba yan tulad kay FPJ, ” ang sabi ko pa. bukod kasi sa buntot sa batok at baril barilang usi, ang malalagong patilya ay ang usong uso noon. Kaya naman talagang bidang bida ako.

Grade five, nung una akong magpagupit ng sobrang ikli, at gayun nga nalimutan ko ang pagkahumaling sa patilya. At kanina nga, nagpagupit na naman ako sa isang barberyang de-bentilador na may nagdadama sa pintuan. At ang usapan namin ay umikot sa kung paanong ahit ang gagawin nya.”Ganito ba?” tanong ng maskuladong barbero na tadtad ng tattoo ang braso habang inaahit ng kaunti ang patilya ko. Sa kahuilihulihan, ang totoo nagustuhan ko ang naging guipit nya. Pero iba talaga yung iba. Noong nakaraan, inunahan ko ang barbero at sinabi kong “ahitin yung gilid” kaya yung inahit nya yung gilid paikot sa ulo ko… maliban sa patilya. Noon naman may lalaking ginupitan ako… pagtapos nung sinabi kong ahitin yung patilya ko ay bigla syang nagulat… “Akala ko pinapahaba mo.”

Hay… talaga naman.

PS Ibinalik ko na yung Guardian angel Acosta… di ako komportable sa naisip kong title.

Sumasakay Ako Palagi ng Bus Pauwi

Posted in Stupid with tags , , , , on 22 May 2008 by Richmond

Nakasakay ako sa Mini Bus Kahapon, mula sa tabi ng pintuan kung saan ako unang umupo, lumipat ako sa masmahahabang upuan sa kaliwa ko noong biglang magbabaaan ang ilang pasahero. Nang pagkalipat ko, may batang tumabi sa’kin. Gusgusin sya, mukhang mabaho, pero hindi amoy mabaho. Madusing ang kanyang kamison at ang kanyang salawal ay may iilang punit at nanlilimahid. Pagkaupo nya, may daglidagliang tumabi pa uli sa kanyang lalaki na sa tingin ko’y isa o dalawang taon ang tanda sa akin. Sa unang tingin akala ko’y magkasama ang dalawa, napagtanto ko lamang na hindi pala nang magtanong ang binata sa bata.

“May kasama ka ba?” anya.

Hinarap ko ang dalawa. Sa loob ko’y tila malaki ang interes na ipinakikita ng binata sa bata. May halong pagkagiliw ang tono ng kanyang boses; anupa’t ngumiti ito sa bata. “Saan ka naman pupunta?” tinanong muli nito nang tumanggap sya ng isang tingin bilang sagot sa tanong na nauna.

“Mariveles,” sagot ng bata, ang dulong bahagi ng tangway ng Bataan. Isang malaking distrito ng mga pabrika, planta at mga pyer. Ang bayan na kinalakihan ko. Doon din ako patungo galing sa maghapong pagupo sa review center sa Balanga, ang Kaptiloyo ng probinsya.

Sa agos ng usapan ng dalawa, sabay-sabay kaming sumakay sa Bus galing sa Balanga. At dahil nakita ng binata ang bata na nagiisa, hindi nya napigil ang kanyang sarili na magusisa kaya sinundan nya ito at ngayun nga’y nagtatanong kung saan ito patungo, anong ginagawa nito ng mag isa, at kung anu-ano pa. Naisip ko tuloy, siguro naglayas ang bata, natatandaan ko mga apat na taon na ang nakalilipas ng mag isa akong tumungo sa kolehiyong pinasukan ko upang magpalista sa kursong aking napasahan. Meron din noong isang bata na kasing laki at kasing dusing nya na inusisa ng kunduktor kung naglayas ba ito, ang bus noon ay tumatakbo mula Mariveles patungong Balanga, salungat sa direksyon ng bus na sinasakyan ko.

“Ilang taon ka na ba?” tanong ko bilang pagpapaalam sa aking pagsali sa unti unting sumasayang talakayan. Sampu, ang sabi ng bata, hindi ako naniwala. Tinanong ko sya kung anong baitang na sya, may mahinang bulong sa isip ko na maaring hindi na nakakapag aral o di man lang nakatuntong sa paaralan ang bata na napatunayan kong mali ng sabihin nitong papasok na sya sa ikaapat na grado sa Hunyo. Gusto ko pa ring makasiguro, sa tikas nyang lalampa lampa at sa laki nyang tunay namang nakakapuwing, hindi pa rin ako makapaniwla na sya ay sampung taon gulang na… hula ko ay walo o pito. Tinanong ko sya kung anong pinagaralan nila sa ikatlong baitang. Ngumiti lamang sya, siguro akala nya’y binibigyan ko sya ng isang pagsusulit. Tumawa ang binata sa tabi nya.

“May pamasahe ka ba?” tanong ng binata ng sabihin ko ang palagay ko na naglayas ito.

Pinakita nito ang laman ng kanyang bulsa, iilang piso at dalawang barya ng Limang piso. Kulang. Sa Minibus limampu’t pitong piso ang diretsong pamasahe, at kung bata, apatnapu. Sinabi kong kulang ang salapi nya. Kaya tinanong ko kung saan sya sa Mariveles. May sinabi syang lugar, pero di ko alam kung saan. Nabanggit nya na ang nanay nya ay labandera. Nagkatinginan kami ng binata at iginiit namin sa bata na aminin na kung naglayas ito. Humindi sya at biglang naglabas ng isang daang piso. Natawa ako nang bigla syang tumayo at umupo sa harapang bahagi ng bus… humagikgik ang binata. Sabi nya, “Eh, may kasama naman pala eh. Sabi nya kanina wala.”

Read more »

RNs-Rejected Nurses

Posted in After College, Catharsis with tags , , , , on 20 May 2008 by Richmond

The Review Center has been on business for fourteen years already. It has branches across the country from Baguio, Dagupan, Cabanatuan, Manila, Davao yata and I think in Visayan provinces though I am not sure where exactly (UPDATED: May 22, 2008 1:55PM) MY classmate corrected me, they don’t have anu Visayan branch.

When it comes to motivating students, I think nothing beats this company. It has some traditions that can never be found from any other review centers, all for the sake of motivating us. Among the most notable are the Boodle Fights and of course the “it’s-raining-license”-cheer.

I especially like the cheer.

The cheer’s philosophy, with this review center, our future Nursing Licenses seem to be falling from the sky and all we need to do is to grab them. So whenever someone yells, “IT’S RAINING LICENSE!” we scream our lungs out as we push our arms into the air, our hands grabbing the imaginary licenses signifying our wholehearted belief that each one of us shall pass the board exam WITH EASE, as time passed the cheer easily became an involuntary reflex that we didn’t have to think of what action shall be done the instant the magic words, “IT’S RAINING LICENSE”, is uttered. It is really neat.

Days before I learned about the scam, when I was already starting to believe that licenses fall from the sky, I went to Lallaine’s house for a tutorial with some concepts I was having a difficult time with. As we went on clicking her computer for potential music downloads reviewing, I asked her, “Hindi na tayo Student Nurses, ‘di pa rin tayo Registered Nurses, anong tawag sa ‘tin ngayon?” (We’re not Student Nurses anymore, and yet we’re still not Register Nurses, what should we call ourselves now?).

She didn’t have to pause to think. She gave her answer confidently.” Syempre, Nurse” (Of course, Nurse) in an as-a-matter-of-factly tone, ” ‘yon yung sinasabi ko kung nakikipagchat ako.” (That’s what I tell in the chatroom.)

I resisted the urge to challenge her view, afterall we are indeed nurses, minus the licenses.

Last week, the owner of the Bataan Franchise [of this review center] talked to us. The Department of Labor and Employment already passed an order to PRC to let us file our applications again, but the letter has a clause at the bottom giving frewill to the PRC to decide if they want to follow the order. Until now the PRC hasn’t said anything.

PS To Vivian Lazaro, I hope you realize how many people you are hurting now.

Chasing Pavements

Posted in Uncategorized with tags , on 19 May 2008 by Richmond

My newest favorite song…

 
Read more »