Nang Dahil sa Potassium Chloride

May natanggap akong comment mula kay Village Tickler (aka Gari) at ito yun

Hi MonMon.

When I was still busy in one of my bangketa, I had that same freaking out mirror image of mine. I asked around if it was me and most of my blogger-commenter said: yeah, it’s you, move on! and that was not me at all.

Ano daw? Wala lang

Village Tickler

PS: ingat ingat sa potassium chloride.

Ang totoo nabasa ko rin yung entry nyang ‘yon, yung tungkol sa lalaking may hawak yatang bata. Hinahanap ko nga iyon nang mailink sana sa sinulat kong Mirror Mirror on the Wall, kaso sa sobrang dalas nyang magblog, di ko makita.

Subalit hindi naman ‘yon yung gusto kong pagtuunan ng pansin. Nung nabasa ko yung PS nya na, “ingat ingat sa potassium chloride.” , natawa talaga ako kasi meron akong naalala. Umiyak kasi doon yung kaklase ko nung pinagpracticum sya on the spot ng Clinical Instructor namin sa isang pribadong ospital. Naglagay ang CI namin ng tatlong bote ng walang kulay na likdo sa tray, yung isa Plain NSS (tubig), yung isa 50% Glucose yata, at yung isa nga ay Potassium Chloride. Naihalo nya yung gamot sa Glucose (hindi sa Potassium Chloride hehe). Pinilit nyang alugin yung bote para matunaw yung gamot pero walang nangyayari, paano nga naman matutunaw ang gamot sa 50% glucose, super saturated na nun sa asukal, di ba? Sayang ang galing pamandin nyang mag demo kaso sablay kasi ‘di nya binasa yung labels nung mga kemikal sa harap nya.

Marahil naitype nya yung komentong yun dahil sa nakaraang balita tungkol dun sa batang iniksyunan ng kemikal na ito.

Ang potassium chloride ay isang kemikal na walang kulay, walang amoy at kasing labnaw ng tubig. Karaniwang ibinibigay ito sa mga taong nagkakaroon ng Hypokalemia o biglang pagbaba ng antas ng potassium sa katawan. Nakalagay ito sa isang transparent na bote na kasing laki ng pangkaraniwang bote ng plain NSS (tubig na may asin) na karaniwan namang ginagamit sa paghahalo ng mga pinulbos na gamot na pang iniksyon.

Ang pagkakatulad ng Potassium Chloride at ng Tubig ay sadyang maipagkakamali kaya naman talagang dapat maging alerto ang isang Nurse sa pagbibigay ng mga gamot. Sadyang mapanganib ang kemikal na ito. Ayon sa aking narinig (subalit di ako sigurado kung totoo) isa ito sa mga ibinigay kay Leo Echegaray ng sya’y bitayin. Hindi rin basta basta ang paggamit bilang lunas sa Hypokalemia, kung hindi ako nagkakamali (hindi uli ako sigurado) hindi ito maaring diretsahang iturok sa maysakit. Kailangan muna itong ihalo sa swero ng pasyente. Ayon nga sa Clinical Instructor ko, “Huwag na huwag kayong mag a-IV bolus ng Potassium Chloride kahit pa iutos ng Duktor. Hayaan nyo sya kung malakas ang loob nya.”

14 Responses to “Nang Dahil sa Potassium Chloride”

  1. iskoo Says:

    tama ingat nga sa Potassium Chloride kasi ito ang chemical na ginagamit sa lethal injection. pero sa tamang dosage at timpla ito rin ang ginagamit as fertilizer, pag-gamot, atbp.

  2. Richmond Says:

    Iskoo, so tama yung sinabi sa akin na ibinigay nga ‘to kay Leo E.

  3. rhodora Says:

    Liable ang CI sa maling pag-inject ng Potassium Chloride sa bata. Direct responsibility niya yun.

  4. Sidney Says:

    Wow! I finished translating your post in English. So you think I should take Potassium Chloride every morning to improve my health? ;-)

  5. villagetickler Says:

    Hi Monmon,

    You’re right, high dosage of potassium chloride ang ginamit kay Leo Echegaray.

    At least informative for all ang difference ng glucose, saline and potassium chloride.

    Kawawa naman si Mark Mendoza, baka sobrang pagod, di na binasa ang labeling or baka wala talagang labeling.

    Village Tickler

  6. dimaks Says:

    All along the way na binabasa ko ang entry mo, ang iniisip ko ay sodium chloride (at asin yun diba). Potassium chloride pala, delikado pala yun? hehe

  7. Miko Dela Cruz Says:

    Ang pagkakatulad ng Potassium Chloride at ng Tubig ay sadyang di maipagkakamali ….

    O

    Ang pagkakatulad ng KCl at ng tubig ay SADYANG MAIPAGKAKAMALI :P

    Yes, ingat sa malpractice!

  8. verns Says:

    scary! paano na lang kung ako’y maospital (knock on wood) at maturukan ng maling gamot or something like that? paano na lang? hehehe

  9. tina Says:

    dapat talaga presence of mind.. at basahin lahat ng label.

  10. rhodora Says:

    You know Verns, pag may naoospital sa amin, makulit akong watcher. Minomonitor ko lahat ng gamot na ibinibigay, lalo na kapag injection, tinatanong ko talaga ang doctor o nurse. Kung, kailangan bang i-skin test muna, o kung para saan yun, etc. Saka yung pagbibigay ng oral meds, kapag dalawa halimbawa ang gamot na naka-schedule sabay i-take, I make sure na hindi sabay ipainom, kundi may interval na one hour, para sa ganoon, kung mag manifest ng allergic reaction, alam mo kung sa aling gamot yun.

    Richmond, puwede na ba akong nurse? Hehe. Well, I guess moms are the best nurses, di ba?

  11. dimaks Says:

    maganda yang meds tips mo tita rhods :)

  12. Richmond Says:

    Rhodora, pwede ka na ring maging nurse. YUP, maraming nagagawa yung pagbabantay. Kaklase ko dati pinagpipilitan nya eh dobleng dose, buti na lang yung mother alam kung ilan talaga yung dosage. nakipagtalo pa yung kaklase ko. Tinawag ako. Nung binasa ko yung med card, yung stock dose pala yung nabasa nung classmate ko at yung desired dose ay half lang nun. Tama yung nanay.

  13. Village Tickler Says:

    MonMon,

    Same thing happens to my sister who was confined during dengue outbreak. Muntikan nang magkamali sa kung anik-anik na pinagtutorok at pinapainom. Buti na lang, bantay ako that time at talagang nakipagtalo pa ang student-nurse na yun. Ginawa ko na lang, hey you gurl stop. Call your CI….ayun mali siya. Hehehe di ko alam kung pumasa siya sa 2006 exam.

    Ako pa, ate ko yata ay dakilang nurse sa lupa ng mga arabo.

    Village Tickler

  14. Richmond Says:

    hindi ko alkam sa totoo lang ang sasabihin ko. syempre gusto kong ipagtanggol yung kabaro ko. pero syempre, sabi nga ng CI namin, kung may magkakasakit daw ba sa pamilya namin ipagkakatiwala daw ba namin sa bobo. Kaya daw wala kaming karapatang maging bobo.

Leave a Reply